Ipinakalat na ng Rizal Provincial Police Office ang kanilang ‘bike patrollers’ para magpatrolya ngayong Holiday Season.
Ayon kay Rizal PNP Director, PCol. Felipe Maraggun, partikular na bubuo aniya sa kanilang ‘bike patrollers’ ay buhat sa kanilang tourist police.
Bukod sa mga pasyalan, susuyurin din ng mga ito ang mga kalye at eskinita na hindi napapasok ng kanilang police mobile.
Pero nilinaw ni Maraggun na nakapaloob ito sa 500 pulis na ipinakalat ng Rizal PPO para tiyakin ang seguridad at kaayusan sa kanilang nasasakupan sa panahong ito.
Katuwang ng pulisya ang mga force multiplier at mga lokal na pamahalaan na handang tumugon sa anumang emergency hanggang sa sumapit ang Bagong Taon. | ulat ni Jaymark Dagala