Mas mababa ang dagsa ng mga local at international tourist sa Boracay ngayon kumpara noong nakaraang taon.
Ito ang hawak na datos ni Aklan Ex-Gov. Joel Miraflores kasabay ng pag-aalala na may ilang resort ang nangangamba na malugi ngayong Holiday Season.
Sabi ni Miraflores, mas mababa ng 3.25% ang tourist arrival ngayon sa kabila ng maraming mga turista ay nasa vacation mode na.
Ilang flights din daw anv naibawas ngayong taon kumpara sa nakaraang kaparehing buwan.
Dahil dito, umaapela siya sa kanilang kinatawan sa Kongreso na si Cong. Carlito Marquez na na gumawa ng mga kaukulang hakbang bilang National government representative sa lalawigan upang makahikayat ng mga turista sa Boracay at iba pang bahagi ng Aklan.
Kung patuloy umanong babagsak ang tourist arrival sa Boracay ay posibleng maharap sa pagbaba ng unemployment sa buong Aklan at maapektuhan ang kanilang kabuhayan.| ulat ni Mike Rogas