Kinalampag ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma ang pamahalaan kaugnay sa pagbibigay access sa mga magsasaka sa credit facility.
Mahalaga aniya ngayon na hanapan ng paraan na mabigyan ng funding ang mga magsasaka mula pagtatanim hanggang sa sila ay maka-ani.
Ito ay para maiwasan aniya na mapagsamantalahan pa sila ng mga middle men.
“Kasi pinaka importante ngayon is the credit facilities to our farmer from day one until it is harvested, so that middle men will not be able to interfere, kasi with due respect sila ang kumikita ng malaki,” giit ni Palma.
Mungkahi pa ng kinatawan na magkaroon ng irrigator-farmers cooperative sa bawat munisipalidad na nakatuon sa rice farming at high value crops.
Tinukoy naman ni House Committee on Trade and Industry chairperson Ferjenel Biron ang matagumpay na agricultural financing ng Thailand noong panahon ni dating Prime Minister Thaksin Shinawatra na maaaring gayahin aniya ng bansa.
“They have been very successful. Ang problema sa atin, walang access to credit ang ating mga farmers,” ani Biron.| ulat ni Kathleen Forbes