Nagpaabot ng pakikidalamhati si House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera sa pamilya ni John Matthew Salilig, ang Adamson University student na pinatay at pinaniniwalaang biktima ng hazing.
Kasabay naman nito ay hiniling ng lady solon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Commission on Higher Education (CHED), at Department of Education (DepEd) na magpatupad ng zero tolerance sa anomang uri o porma ng hazing na isinasagawa ng mga fraternity, sorority, at kahalintulad na organisasyon.
Hirit nito, i-blacklist at bigyan ng βpersona non grataβ status ang sino mang grupo na magsasagawa, magpapahintulot, magpoprotekta o tutulong sa pagsasagawa ng hazing.
May sapat naman na aniyang probisyon ang Anti-Hazing Law at nasa kamay na ng mga awtoridad kung paano ito ipatutupad lalo na sa lebel ng lokal na pamahalaan.
Mas aktibo na kasi aniya ngayon ang mga frat sa labas ng eskuwelahan o campus dahil mas may kalayaan silang gumalaw.
βIt is now up to the DILG mainly to improve the capacity of LGUs to implement the law, especially on community-based fraternities, sororities, and gangs. Help the LGUs, especially the barangays, to register all of these groups and their members. Identify them so it will be easier to monitor and make arrests when there are violations,β diin ni Herrera.
Mariin ding kinondena ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pagkasawi ni Salilig dahil sa hinihinalang βhazing.β
Aniya, lubos silang nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at classmates ng biktima.
Panawagan aniya ng Kabataan Party-list ang maagap at patas na imbestigasyon upang makamit ang tunay na hustisya.
Una naman nang inihayag ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibigay ng β±500,000 na pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon para sa ikadarakip ng mga suspek sa pagkasawi ni Salilig. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: Contributed