Nakalatag na ang mahigpit na seguridad sa loob at labas ng University of the Philippines (UP) Theater sa UP Diliman Campus, Quezon City kung saan gaganapin ang conferment ceremony kay Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ngayong umaga.
Mga tauhan mula sa Presidential Security Group (PSG) ang nag-iinspeksyon sa gamit ng bawat bisitang pumapasok sa UP Theater.
Mayroon ding nag-iikot na PSG K9, Philippine National Police (PNP) personnel at mga tauhan mula sa UP Public Safety and Security Office.
Nakatakdang gawaran ng Doctor of Laws, honorary degree ng University of the Philippines (UP) si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ngayong umaga.
Pangungunahan nina Commission on Higher Education (CHED) Chair at UP Board of Regents Chair Popoy De Vera kasama si UP President Atty. Angelo Jimenez ang conferment ceremony.
Matapos ito ay magkakaroon ng public lecture si Prime Minister Datuk Seri Anwar Ibrahim, na pinamagatang β30 Years from βAsian Renaissanceβ: Strategic Takeaways for ASEAN.β
Ito ang ikalawang araw ng official visit ng lider sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa