Kauna-unahang TESDA Provincial Training Center sa Palawan, pinasinayaan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasinayaan na ang dalawang palapag at kauna-unahang Provincial Training Center (PTC) sa lalawigan ng Palawan na matatagpuan sa Bgy. Magara sa Roxas Palawan nitong nakalipas na ika-30 ng Mayo ng taong kasalukuyan.

Personal na dinaluhan ito ni TESDA Secretary General Atty. Danilo Cruz kasama sina TESDA MIMAROPA Regional Director Angelina Carreon at TESDA Provincial Director Vivian Abueva gayundin ang ilan pang mga opisyal ng lalawigan ng Palawan at Bgy. Magara.

Ayon kay Provincial Director Abueva, nagkakahalaga ang gusali ng 5.4 Million pesos at nakatayo sa nasa 500 sq. meter na lote na ipinagkaloob ng pamahalaang bayan ng Roxas.

Kabilang sa sampung (10) pagsasanay na ipinagkakaloob dito ang Driving NC II, Organic Agriculture Production NC II, Solar Nightlight and Post Lamp, Masonry NC II, Carpentry NC II, Shielded Metal Arc Welding NC I, Electrical Installation and Maintenance NC II, Trainers Methodology Level I, Trainers Methodology Level ll at Community-Based Trainers Methodology Course.

Inaasahang madaragdagan pa ang mga pagsasanay na ipagkakaloob ng PTC sa bayan ng Roxas.

Samantala, inaasahan rin ang pagbubukas ng mga karagdagan pang provincial training centers sa lalawigan, partikular sa timog na bahagi ng probinsya dahil naniniwala ang TESDA na ang mga trainings na ipinagkakaloob sa pamamagitan ng kanilang mga training centers ay solusyon sa problema ng job mismatch sa bansa. I ulat ni Lyzl Pilapil

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us