?????? & ????????? ??? ?? ?????????? ??????? ?? ???????, ???????????? — ????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy ang search and retrieval operations hinggil sa nawawalang chopper sa Brookes Point sa Palawan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang naturang chopper na may registry number N45VX na pagmamay-ari ng Philippine Adventist Medical Aviation Services (PAMAS) ay umalis ng 7:30 ng umaga ng March 1 at tutungo sana ng isla ng Mangsee sa Balabac, Palawan upang kumuha ng pasyente doon at inaasahan lalapag sa Southwestern Palawan Provincial Hospital.

Ang naturang aircraft ay lulan ng limang pasahero na kinabibilangan ng piloto, nurse, kanilang pasyente, at dalawa pang kasama nito.

Agad namang rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) at agad pumalaot ang multi-role response vessel ng BRP Malabrigo upang magsagawa ng search and rescue operations sa palibot ng Mangsee Island at ang chopper ng Coast Guard upang mag-conduct ng areal inspection sa lugar.

Samantala, nagpadala na rin ng tauhan ang CAAP mula sa kanilang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board upang magsagawa ng imbestigasyon at tumulong sa naturang insidente.

Hangang sa ngayon ay patuloy pa rin ang paghahanap ng nawawang chopper. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us