Biyahe ng Alabang- Calamba Route, ipinahihinto ng PNR para sa konstruksyon ng NSCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ihihinto ng Philippine National Railways (PNR) ang araw-araw na byahe ng Alabang to Calamba route simula July 2 upang magbigay daan sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway ( NSCR) system.

Sa isinagawang media briefing kaninang madaling araw sa PNR Calamba Station, sinabi ni Transportation Undersecretary for Railways Cesar B. Chavez na 2 byahe ang maaapektuhan ng pansamantalang pagtigil ng nasabing ruta.

Ito anya ay ang 4:38 am trip at 7:56 pm trip kung saan 467 na pasahero ang bumibyahe araw-araw.

Sinabi pa ni Usec Chavez na itatayo ang elevated double track at electrified train system sa ibabaw ng existing PNR tracks na magpapabilis sa konstruksyon ng NSCR ng 8 buwan.

Idinagdag pa ni Usec Chavez na ang Alabang to Calamba train service ay pansamantalang sususpendihin para magbigay daan sa isang modernong train service na mas mabilis at ligtas na makapagsasakay ng mas maraming pasahero tungo sa mas maraming lugar.

Inaasahang makukumpleto ang kostruksyon ng 147.26 kilometrong railway project sa taong 2029, na magkokonekta sa Clark, Pampanga, at lungsod ng Calamba sa Laguna. | ulat ni Tom Alvarez

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us