Suportado ng Commission on Election (COMELEC) ang panawagan ng Ecowaste Coalition na gawing makakalikasan at maging responsable ang mga kandidato sa panahon ng eleksyon.
Ayon sa National Coordinator ng Ecowaste Coalition na si Aileen Lucero, mainam na gumamit ng karton papel o tela ang mga kandidato sa campaign materials kumpara sa plastic na may malubhang epekto sa kalikasan.
Samantala, bukas ay simula na ang campaign period para sa national position ng 2025 Midtern Election at magsasagawa ng simultaneous Oplan Baklas ang COMELEC.
Paglilinaw ng COMELEC, tanging para sa national position lamang ang pwedeng baklasin at hindi kasama ang sa lokal na posisyon dahil pa silang hurisdiksyon dito. | ulat ni DK Zarate