Maganda ang pananaw ng mga foreign investors sa pagkakapasa ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises to Maximize Opportunities for Reinvigorating the Economy o CREATE MORE LAW ng Marcos Administration upang makapang-akit pa ng maraming mamumuhunan sa bansa.
Ito ang nakitang resulta ng Department of Trade and Industry sa naging pagbisita ni Trade Secretary Cristina Roque at ni Special Assistant to the President for Economic Affairs and Investments Secretary Frederick Go sa Japan kamakailan upang mas makakuha ng karagdagan pamumuhunan sa Pilipinas.
Ayon kay Secretary Roque na maganda ang naging paigtingin ng ilang mga malalaking kumpanya sa Japan sa naturang batas.
Kabilang sa mga nais pang mag expand ng kanilang investment sa bansa ang kumpanyang Ibiden Co., Ltd., Nidec Corp. and Sumitomo Corp. na nais palawakin pa ang kanilang mga ipunuhunang negosyo sa bansa.
Dagdag pa ni Roque magbubunga ito ng mas maraming trabaho at oportunidad sa Pilipinas.
Sa huli muli namang siniguro ni Roque na pag-iibayihin pa ng kanilang kagawaran ang pagpapanatili ng magandang estado ng Pilipinas upang mas makapang-akit pa ng pamumuhunan sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio