Magha-hire ang Department of Education (DepEd) ng 7,062 school-based Administrative Support Staff sa ilalim ng Contract of Service (CoS) para sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.
Layon nitong bawasan ang non-teaching tasks ng mga guro upang makatutok ang mga ito sa pagtuturo at pakikipag-ugnayan sa mga mag-aaral.
Kabilang sa mababawas na gawain ng mga guro ang mga paperwork at iba pang administrative task.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, may nakalaan pondo para sa sahod ng mga kukuning personnel.
Ang kompensasyon aniya ay batay sa regional minimum wage at mayroong 12.5% premium.
Kabilang sa kanilang magiging trabaho ang paggawa ng reports, pagtulong sa school programs at activities, gayundin ang paghawak ng clerical tasks na ibibigay ng school head. | ulat ni Diane Lear