Upang maging handa ang bawat magulang guro at mga estudyante sakaling makagat sila ng aso pusa o anumang alaga nilang pets ay nagsagawa ng rabies awareness seminar ang lokal na pamahalaan ng muntinlupa upang maging handa ang mga ito.
Kung saan pinangunahan ito ng health experts ang nasabing lecture tungkol sa rabies—mga panganib nito at mga paraan kung paano ito maiwasan. Kasama sa seminar ang responsible pet ownership, pag-iwas sa exposure sa rabies, at ang kahalagahan ng agarang pagpapabakuna.
Kaugnay nito iikot ang lokal na pamahalan sa ilang mga lugar sa lungsod sa March 7 (Friday) Poblacion Elementary School March 12 (Wednesday) Lakeview Integrated School March 13 (Thursday)Itaas Elementary School at March 14 (Friday) Muntinlupa Elementary School.
Layon ng pamahalaan lokal na Muntinlupa na maging ligtas ang kanilang mga tesidente laban sa rabies. | ulat ni AJ Ignacio