Upang maiwasan ang anumang banta ng sunog ngayong Fire Prevention Month nagbigay ng safety tips ang lokal ng pamahalaan ng Taguig sa kanilang mga residente kung saan narito ang mga paalala ng lokal na pamahalaan:




Tanggalin sa saksakan ang mga kagamitan pagkatapos gamitin upang maiwasan ang pag-overheat.
Huwag punuin ang saksakan upang maiwasan ang sunog.
Suriin nang madalas ang mga electrical wires at palitan agad kung may makitang sira.
Iwasang gamitin ang bentilador maghapon.
Gumamit ng flashlight habang brown out. Iwasang gumamit ng kandila.
Huwag mag-iwan ng nagniningas na kandila nang walang magbabantay, sa halip ay patayin ito pagkatapos ng bawat gamit.
Itabi ang mga maaaring maging sanhi ng sunog gaya ng kandila, lighter, at posporo sa mga lugar na hindi maaabot ng mga bata.
Palaging suriin ang inyong mga tanke ng gas upang maiwasan ang tagas.
Planuhin ang emergency exit sa inyong tahanan.
At sa oras ng sunog tawagan lamang ang numeron ng BFP Taguig sa numerong (02) 8837-0740, (02) 8837-4496, at 0906-211-0919. | ulat ni AJ Ignacio