Inaasahan ng Department of Agriculture (DA) ang bahagyang pagbaba ng presyo ng asukal sa susunod na linggo.
Ito matapos na bigyan na ng go signal ng DA ang Sugar Regulatory Board (SRB) na mag-isyu na ng clearance para mailabas na sa merkado ang mga inangkat na asukal na sakop ng Sugar Order No. 6.
Batay sa monitoring ng DA Bantay Presyo, nasa hanggang โฑ90 pa ang presyo sa ngayon ng asukal sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Pero maaari aniyang bumaba pa ito sa โฑ80-โฑ85 na tatagal ng dalawang linggo.
Sa inilabas na memo ng DA, pinapahintulutan na ang pag-iisyu ng clearance sa tatlong importer kabilang ang All-Asian Countertrade Incorporated, Edison Lee Marketing Corporation at S and D Sucden Philippines.
Nauna nang ipinaliwanag ni DA Secretary Panganiban na pinayagan nito ang importasyon ng asukal bago pa mailabas ang sugar order bilang tugon sa matinding pangangailangan sa asukal.
Samantala, patuloy namang bumababa ang presyo ng lokal na sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.
Batay sa Bantay Presyo ng DA, mayroon na ring ilang palengke ang nagbebenta ng โฑ100 kada kilo sa pulang sibuyas kabilang ang Pamilihang Lungsod ng Muntinlupa at Malabon Central Market.
Mas mababa pa ang presyo ng puting sibuyas na mayroong โฑ90 na kada kilo na ayon sa DA ay dahil sa patuloy na pagbaba ng farm gate price. | ulat ni Merry Ann Bastasa