Nagsagawa ng pagdinig ang Senado kaugnay ng modernisasyon ng public utilities sa bansa at higgil sa pag-phase out ng traditional jeepney sa bansa.
Pinangunahan ni Senator Grace Poe ang naturang hearing katuwang si Senate Majority Leader Joel Villianueva at Senator Riza Hontiveros at ni Senator Nancy Binay ang pag-preside ng hearing kasama ang ibaβt ibang transport groups, cooperatives, at mga national agencies tulad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Isa sa napag-usapan sa pagdinig ay kung papaano ang gagawin pagkatapos ng naturang deadline kung hindi pa makakatalima ang mga driver at operator ng mga tradisyonal na jeepney.
Tugon naman ng LTFRB na hindi naman total phase out kung hindi consolidation ang nais ng kanilang tangapan.
Ibig sabihin nito ay nais ng LTFRB na malaman kung sino yung mga lehitimong bumabyahe sa naturang ruta kung saan may mga bumabyahe na kolurum.
Batay kasi sa datos na iprinesenta ng LTFRB, nasa 98,801 o nasa 62.4 percent pa lamang ang consolidated na ng kanilang tangapan at kanilang hangad na ang nalalabing 165,000 units ay makabuo na ng kooperatiba at maging ganap na trasnport group na bago matapos ang taon.
Hangad naman ni Senator Grace Poe na maayos na ma-consolidate ang mga nalalabing mga units sa bansa.
Ito ay upang mabigyan na ng maayos na sistema ang ating mga pampublikong jeep, mai-alis na ang agam-agam na pag-phase out sa kanila ngayong taon.
Kailangan ding isaalang-alang ang estado ng pamumuhay ng mga ito, dahil ang iba sa kanila ay mahihirapan ding maka-avail ng unit ng bagong disenyo ng jeep dahil medyo mahal ang mga ito.
Muli namang iginiit ng LTFRB sa naturang pagdinig na kung sakaling hindi makatalima ang iba sa ibinigay na palugit sa mga operator at driver ay huwag namang mag-alala ang mga ito dahil nakahandang umalalay ang LTFRB sa mga nais humingi ng tulong o assistance para sa mga driver at operator. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio