Tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac ang patuloy na suporta at serbisyo ng ahensya para sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) at kanilang mga pamilya.
Ayon kay Secretary Cacdac ang patuloy ang pagbibigay ng legal, medical, at pinansyal na tulong sa mga OFW, na umabot sa 86,000 benepisyaryo noong nakaraang taon sa ilalim ng AKSYON Fund.
Binanggit din niya ang mga OFW lounges sa NAIA na nagbigay-ginhawa sa mahigit isang milyong OFW na bumiyahe.
Patuloy rin aniya ang pagpapalalim ng bilateral labor relations at cooperation sa mga OFW host countries upang masiguro ang kaligtasan at paggalang sa mga karapatan ng mga OFW. | ulat ni Diane Lear