??? ???????? ?? ???????? ?? ???? ?? ?????, ???????? ?? ????? ?????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinaklolohan ng Naval Task Force 50 ng Naval Forces Central ang isang Roro vessel na sumadsad sa mababaw na bahagi ng karagatan, limang milya mula sa Bilangbilangan Island, Talibon, Bohol.

Ang naturang RoRo na MV Starlight Saturn ay may sakay na 157 indibidwal na kinabibilangan ng 102 pasahero at 55 crew.

Nagsagawa ng matagumpay na rescue operation ang BRP Filipino Flojo (PC386) sa pamumuno ni Cdr. John Paul RaΓ±ola, at BRP Enrique Jurado (PC371) sa pamumuno ni Lt. Cdr. Jesus S Kingking II, kung saan inilipat sa SuperCat MV St. Camael ang 88 pasahero.

Ang mga nasagip na pasahero ay dinala ng MV Camael sa Pier 5, Port of Cebu, Cebu City; habang ang 14 na natirang pasahero ay mga driver na nananatili sa sumadsad na RoRo para bantayan ang kanilang kargamento.

Tiniyak ng Naval Forces Central na lagi silang handang rumesponde sa mga nangangailangan ng tulong sa karagatan ng Visayas Region. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us