Tampok sa campaign materials ng isang kandidatong kongresista sa Lalawigan ng Cavite ang mga larawan ng pusa.

Makikita ang iba’t ibang pusa sa mga nakapaskil na poster, sa campaign jingle, at maging sa sasakyang ginamit sa motorcade.
Ang nasabing kandidato ay mula sa isang pamilya ng mga pulitiko sa Dasmariñas City.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen at residente.
Ayon sa ilan, tunay na mahilig sa pusa ang naturang kandidato, at repleksyon ng mabuting pagkatao ang hilig sa mga hayop.

Gayunman, may ilan ding nagbigay ng negatibong puna, gaya ng pagiging hindi seryoso, at kung ano ang kaugnayan ng mga pusa sa kampanya. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena
Photos: Kiko Barzaga