Ipinauubaya na ng Malacañang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang plano nitong makipagtulugan sa Interpol upang pauwiin sa Pilipinas ang mga Overseas Filipino na nagkakalat ng fake news.
Sa isang ambush interview, ipinahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang suporta ng Palasyo sa paghabol at pagpapapanagot sa mga indibidwal o grupo na nagpapakalat ng maling impormasyon at maling balita.
Gayunpaman, ang planong ito ng NBI ay operational matters na, kaya’t mas mainam aniya na hindi na gumawa ng anomang anunsyo o pahayag pa ang Malacañang.
Posibleng kasi aniya na makaapekto pa ito sa isasagawang operasyon ng NBI.
“That’s operational so I’m not free to disclose even if I knew. Alam mo yung mga operations nay an, we leave that to the people who are on the operating line. Because if we make announcements then there is a variance from them. It’s not easy to explain. We might be contradicting each other. So we leave that to NBI if it is going to implement a course of action like that.” -ES Bersamin.
Dapat lamang aniyang mapapanagot ang mga nagpapakalat ng maling impromasyon, lalo’t mahirap aniya ang sitwasyon ngayon, kaugnay sa fake news, lalo’t hindi lamang ang Pilipinas ang nakakaranas nito, bagkus ay ang buong mundo.
“Alam mo napakahirap yung ating condition ngayon is, itong fake news, napaka saklap ng epekto, it’s not only the Philippines, it’s the entire world that is suffering the brunt of the deceit that is derived from fake news. Napaka saklap. Dapat talaga maprosecute yan.” -ES Bersamin. | ulat ni Racquel Bayan