Nanawagan ang Management Association of the Philippines (MAP) sa administrasyong Marcos Jt na bumuo ng isang Economic Security Council sa ilalim ng yanggapan ng Pangulo upang pag-aralan ang epekto ng 17-porsyentong taripa na ipinataw ng Estados Unidos (US) sa mga inaangkat na produkto mula sa Pilipinas.
Ang MAP, ay isang grupo ng mga pangunahing negosyante at lider ng industriya sa bansa.
Ginawa ng grupo ang pahayag ang sa kabila ng kanilang pangamba sa posibleng epekto ng nasabing taripa na inihayag ni US President Donald Trump.
Ayon kay MAP President Alfredo Panlilio at ational issues committee chair Rene Almendras, ito ay isang realidad na makakaapekto sa maraming bansa at magkakaroon ng iba’t ibang epekto sa ekonomiya ng bawat isa.
Pagaaralan ng panukalang Economic Security Council ang epekto ng global trade development sa seguridad ng ekonomiya ng Pilipinas.
Batay sa panukala ng MAP, ang konsehong ito ay bubuuin ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Finance (DOF), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), National Economic and Development Authority (NEDA), Philippine Economic Zone Authority (PEZA), Anti-Red Tape Authority (ARTA), National Security Council (NSC) at private sector and industry. | ulat ni Melany Reyes