Binigyan ng tatlong araw ng Commission on Election para magpaliwanag sa Batangas mataas na kahoy Vice Mayor Jay Ilagan na tumatakbong gobernador kung bakit hindi siya dapat kasuhan o patawan ng diskwalipikasyon dahil sa pahayag nito sa isang kampanya.
Nag-ugat ang show cause order matapos sabihin nito na hindi siya natatakot sa katunggali na si Vilma Santos dahil laos na ito at maraming fans ang “namahinga na”.
Ayon sa COMELEC, posibleng paglabag ang aksyon ni Ilagan sa COMELEC RESOLUTION NO. 11116 O ANTI-DISCRIMINATION AND FAIR CAMPAIGNING.
Hindi pinahihintulutan ng COMELEC ang bullying laban sa iba’t ibang sektor tulad ng sa kababaihan at papatawan nila ng parusa ang mga lalabag.| ulat ni Don King Zarate