Nagpahayag ng kahandaan ang tropa mula sa Army’s 3rd Infantry Division na tumugon sa nagpapatuloy na banta ng bulkang Kanlaon.

Ito ang tiniyak ng mga sundalo ng 3rd ID kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. sa kaniyang naging pagbisita rito kahapon sa Camp Gerona sa Murcia, Negros Oriental.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng AFP Chief of Staff sa mga sundalo, panatilihin ang pagtutok gayundin ang pangako na panatilihin ang pambansang seguridad at tumugon sa panahon ng sakuna.

Binigyang diin pang AFP Chief ang pagbabantay gayundin ang mabilisang pagkilos upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko gayundin ang katatagan sa rehiyon. | ulat ni Jaymark Dagala
