???, ??????? ??? ??? ????????? ????? ?????? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na paiigtingin pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kampanya laban sa smuggling, lalo na ang ilegal na pagpasok ng mga produktong agrikultural na lubhang nagpapahirap sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyante.

Ito ay matapos masabat ng Bureau of Customs-Port of Subic ang mahigit 30,000 sako ng refined sugar na nagkakahalaga ng P150 milyon, sa Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City, Zambales kahapon.

Pinangunahan ni Customs Commissioner Rubio kasama sina District Collector Maritess Martin, Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary James Layug, at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairperson at Administrator Rolen C. Paulino ang pagsusuri sa 58 container, kung saan nakalagay ang mahigit 30,000 sako ng misdeclared refined sugar na tinatayang nagkakahalaga ng P150 milyon.

Samantala, binuksan din ng BOC ang dalawang container ng squid rings kung saan nakatago ang ibaโ€™t ibang frozen meat product na hindi idineklara, nagkakahalaga ito ng P40 milyon.

Umabot naman sa 9.5 milyong pakete ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.42 bilyon ang narekober sa isinagawang operasyon ng BOC sa isang warehouse sa Indanan, Sulu. Ito ang pinakamalaking halaga ng smuggled na sigarilyo na nakumpiska sa isang operasyon sa ilalim ng Marcos Administration. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Photo: Bureau of Customs FB page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us