203 na Barangay sa Davao De Oro, idineklarang Drug free na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang Philippine Drug Enforcement o PDEA Davao de Oro na makakmit nila ang 100% na drug-free barangay sa buong probinsya sa pamamagitan ng kanilang maspinaigting na kampanya kontra droga at sa tulong ng mga LGU

Ayon kay Clodito Cañada, PDEA Davao de Oro Provincial Director, sa ngayon 203 na ang naideklarang drug-free mula sa bilang na 225 na drug-affected barangays sa probinsya

Aniya, kampante itong makakamit nila ang 100% na drug-free barangays dahil sa ipinapakitang suporta ng probinsyal na pamahalaan sa kanilang kampanya katulad ng pagpapalakas ng mga programa para sa implementasyon ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act, at para sa rehabilitation ng mga drug user at pusher sa pamamagitan ng Davao de Oro Transformative o DdOT Program Kontra Droga

Sa record ng PDEA Davao de Oro, mula Enero hanggang Hunyo nitong taon, nasa 64 grams lang ang kanilang nakumpiskang shabu at marijuana mula anim na drug operations ng PDEA at PNP

Ipinaliwanag ni Cañada na kumpara noon, minimal na lang ang kanilang nakukumpiskang droga sa probinsya dahil sa bumababa ang supply na pumapasok dito

Aniya, tukoy na nila ang mga sources ng iligal na droga na pumapasok sa probinsya kaya, maspinaigting pa nila ang monitoring at surveillance sa mga possible entry points lalo na sa mga coastal areas

Sa kabila nito, patuloy na nananawagan ang PDEA Davao de Oro sa mga LGU lalo na sa mga idinekalarang drug-free barangay na makipagtulungan sa kanila upang mapigilan ang muling pagbalik ng problema ng iligal na droga sa kanilang lugar I ulat ni Maymay Benedicto

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us