????????? ?????? ?? ????? ????, ????? ?????? ?? ?????????? ?????-??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Pasay, kahit may nakaambang tigil-pasada ng ilang transport group sa susunod na linggo.

Ito ang inihayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, matapos ang nangyaring pakikipagpulong sa kaniya ng siyam na transport group at kooperatiba sa lungsod.

Sa naturang pagpupulong, tiniyak ng mga grupong pang-transportasyon kay Mayor Calixto-Rubiano na hindi sila sasama sa tigil-pasada na ikinasa ng ilang grupo sa kanilang hanay.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa mga transport leader sa pagpapahalaga nila sa kapakanan ng mga pasaherong tiyak na maaapektuhan ng isang linggong tigil-pasada, at tiniyak ang kanilang seguridad sa panahon ng transport strike.

Samantala, naglatag na rin ng hakbang ang lokal na pamahalaan para alalayan ang mga maaapektuhang pasahero sa mga panahon ng tigil-pasada.

Kasunod nito, magpapatupad ng libreng sakay ang Pasay City LGU, kung saan aabot sa 35 sasakyan ang kanilang ipakakalat sa apat na istratehikong lugar para mag-alok ng libreng sakay, mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

Susundan naman ito ganap na alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Kabilang sa mga rutang ipakakalat para sa libreng sakay ay ang mga sumusunod:

Kalayaan โ€“ MOA (vice versa)
Malibay โ€“ City Hall (vice versa)
Vito Cruz โ€“ EDSA (vice versa)
Market โ€“ Vito Cruz (vice versa) | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us