Dumeretso si Vice President Sara Z. Duterte sa Singapore matapos ang matagumpay na pagbisita sa Brunei Darussalam para tuparin ang kanyang mandato bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Council.
Mainit ang naging pagtanggap ni Singapore Foreign Affairs Minister Dr. Vivian Balakrishnan kay VP Sara.
Sa kanilang naging pulong ay napag-usapan ang ilang mahahalagang usapin tulad ng edukasyon na siyang pakay ng working visit ng pangalawang pangulo.
Kinumpirma rin ni VP Sara na bibisitahin niya ang Regional Language Center ng SEAMEO at Temasek Foundation sa Singapore.
Binigyang-diin nito na bilang SEAMEO President ay magsisilbing oportunidad ang biyahe para malaman ang best practices ng Singapore sa larangan ng edukasyon na maibabahagi rin sa ibang miyembro ng Council.
Dagdag pa ng bise-presidente, layon nitong maiangat ang antas ng edukasyon sa Southeast Asia na pangunahing prayoridad din para sa Pilipinas.| ulat ni Hajji Kaamiño