?????? ????????? ???? ?? ??? ????, ????????; ?????-?? ??????, ???????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kailangan pang dagdagan ng pamahalaan ang subsidiya para sa public utility jeep.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, hindi sasapat ang pagpapalawig lang sa deadline para sumali ang mga tradisyonal na jeep sa mga kooperatiba bilang bahagi ng Jeepney Modernization Program.

Una na nitong iminungkahi na mismong mga lokal na pamahalaan na ang bumuo at magpatakbo sa kooperatiba ng modern jeeps na bibiyahe sa kanilang ruta.

β€œWe should instead be more creative about getting PUVs to actually modernize. Not on their own, but through very generous loans and subsidies to LGUs and cooperatives. And the debt should be on the cooperative’s or LGU’s part, not an individual obligation of the jeepney driver,” mungkahi ni Salceda.

Isa pa sa pinkokonsidera ng House Tax chief ay ang trade-in scheme kung saan maaaring bilhin na lamang ng pamahalaan ang lumang jeep sa halagang β‚±100,000 hanggang β‚±150,000 kada unit nang wala nang iba pang rekisitos o kondisyon.

Sa paraang ito, hindi maoobliga ang drayber na sumali pa sa kooperatiba at magbayad o mangutang para bumili ng modernong jeep.

β€œYou don’t have to modernize. You don’t have to join a cooperative. You can just shift out of the jeepney sector altogether if you want to. You get an outright β‚±150,000 for trading your jeepney in. Only that, instead of actually having to buy a new car or jeep, you are paid to retire your old jeep,” paliwanag ni Salceda. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us