????? ??????????, ???????????? ?? ???????? ???????? ??? ????? ?? ??????????? ?? ??? ??????? ?? ??????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-iingat ng ilang party-list solon ang mga awtoridad sa pagturing sa pananambang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo bilang isang isolated case.

Ayon kay Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Delos Santos, ang magkakasunod na pag-atake sa mga public official ay hindi maituturing na isolated incident.

Naniniwala ang mambabatas na kung susuriing mabuti, tiyak na mayroong pagkakatulad o commonality sa naturang mga krimen.

Para naman kay AKO Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, bagamat sa magkakaibang lugar naganap ang pananambang, hindi malayo na may malalim na rason kung bakit sunod-sunod ang naturang insidente.

Dahil dito, iminungkahi ni Co sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na bumuo ng isang task-force upang i-consolidate ang lahat ng imbestigasyon sa serye ng ambush.

Hinikayat din nito ang National Bureau of Investigation (NBI) at Anti-Money Laundering Council na sundan ang money trail upang matukoy kung sino ang mga tao sa likod ng krimen.

β€œI suggest to the Department of the Interior and Local Government to form a task force to coordinate and consolidate all the ongoing investigations into the recent ambush incidents of political, elected leaders. I also suggest that the Anti-Money Laundering Council and NBI investigators specializing in financial crimes look for and follow the money trails on each ambush,” saad ni Co. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us