Hinikayat ng Social Security System (SSS) ang publiko na isuplong ang mga scammer at fixer na nag-aalok ng serbisyo.
Partikular na tinukoy ng SSS ang mga naging biktima ng scammers sa SSS online transactions.
Apela ng ahensya na magsampa ng reklamo at makipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) o National Bureau of Investigation – Anti-Cybercrime Group.
Sa pamamagitan ng SSS Special Investigation Department, matutulungan ng mga ito ang law enforcement agencies na makilala ang mga scammer at makapagsampa ng kaso laban sa mga ito.
Kailangan lamang i-report ang mga mapagsamantala sa SID sa pamamagitan ng e-mail na [email protected] o pagtawag sa telepono bilang (02) 8924-7370.| ulat ni Rey Ferrer