?????? ???????? ???. ?????, ????????? ?? ??????? ?? ??????????? ??? ?????? ???????? ???. ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas na ng pahayag si Negros Oriental 3rd District Representative Arnie Teves patungkol sa nangyaring pananambang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa isang Facebook live, dumistansya si Teves sa pagkakasangkot sa krimen.

Aniya, may nakalap siyang intel na may mga taong nais siyang idiin at sisihin sa pangyayari.

Ngunit punto ng mambabatas, kung talagang may nais siyang gawing masama sa namayapang governor ay noon pa aniya ito dapat ginawa.

β€œNapag-alaman ko kasi sa aking intel na gusto talaga ako idiin ng isang diyan…huwag niyo naman sana akong gawin na instrumento para sa inyong pagsikat…Anong motibo kung ngayon gagawin? Di ba? Hindi rin magiging benepisyaryo ako at ang kapatid ko. Dahil kung mawala ang gobernador, ang uupo naman ang vice governor, hindi naman ang kapatid ko na talagang nanalo nung eleksyon, pero hindi ko alam kung anong magic na nangyari, pinababa sa pwesto ang aking kapatid.” paliwanag ni Teves.

Noong 2022 Elections ay naging magkatunggali sa pagka governor si Degamo at kapatid ni Teves na si Pryde Henry Teves.

Nanalo si Teves, ngunit nang magbaba ng desisyon ang COMELEC na idinedeklara bilang nuisance ang isa pang kandidato na si Grego β€œRuel” Degamo ay inilipat ang nakuha nitong boto kay Gov. Roel at pinababa sa pwesto si Teves.

Pebrero naman nang pagtibayin ng Korte Suprema ang naturang desisyon.

Panawagan naman nito sa mga tao na aniya ay nais β€˜umepal’ at makisakay sa isyu na huwag siyang gamitin.

Ipinaabot din ni Teves ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi dahil sa insidente.

β€œSi Kuya Arnie, nakikiramay sa pamilya ng namatayan dahil masakit mamatayan ng kapamilya.” ani Teves.

Kasalukuyang nasa ibang bansa si Teves para aniya sa kanyang stem cell treatment. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us