???, ??????????????? ?? ?? ???????????? ???? ???????? ??? ?????? ?? ?????????? ??? ?? ?????????? ????????? ?? ???????? ???????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Health Officer in Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mabilis na pagpapatupad ng quality health response para sa mga taong nakatira sa mga lugar na malapit sa apektadong katubigan ng nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro.

Sa ginawang pagbisita ng opisyal sa Pola LGU sa Oriental Mindoro, sinabi ni Vergeire na kailangang palakasin ang surveillance sa mga sintomas ng mga naapektuhang indibidwal, sa pamamagitan ng tamang assessment, pagkakaroon ng database ng mga posibleng epekto ng mga kemikal, at pagberipika ng mga apektadong populasyon base sa apektadong mga lugar.

Dapat din aniyang masiguro ang paglipat ng mga residente sa mas ligtas na lugar, habang inaayos ng pamahalaan ang sitwasyon.

Tinalakay din ni Vergeire ang suporta ng pamahalaan sa maiiwang responders, waste management personnel, at iba pang residente.

Aniya, kailangan makipagtulungan ang municipal health officials sa mga stakeholder para ma-monitor ang hangin at tubig sa lugar. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us