600 Miyembro ng LBTQIA+ sa Lapu-Lapu City, Cebu, dumalo sa pride walk ng city government

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi bababa sa 600 mula sa LGBQIA+ ng lungsod sa Lapu-Lapu, Cebu ang sumali sa isinagawang Pride Walk upang ipagdiwang ang Pride Month ngayong buwan ng Hunyo.

Sabado ng umaga, June 24, 2023 naglakad ang mga miyembro ng ALIVE o Association of LGBTQIA Individuals Vouching for Equality mula sa City Hall grounds patungong City Auditorium dala ang kanilang rainbow flags at banners.

Ayon kay Justine Chan, presidente ng ALIVE Lapu-Lapu City, nakatanggap ng special awards ang mga dumalo gaya ng largest delegation na ginawad sa ALIVE Maribago, most colorful delegation mula naman sa ALIVE Lesbi Femme, at best tarpaulin mula sa ALIVE Tambayan Hideouts.

Linggo ng gabi, June 25, 2023 naman gaganapin ang Gala Night para pa rin sa Pride Month sa loob ng Hoops Dome.

Bahagi ang Pride Walk at Gala Night sa month-long activities ng Lapu-Lapu City Government sa administrasyon ni Mayor Junard “Ahong” Chan.| ulat ni Jessa Agua-Ylanan| RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us