Suportado ng magkapatid na senador ang panukala ni Senadora Risa Hontiveros na iakyat na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang usapin sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Senador JV Ejercito, lumalala na ang pagiging agresibo ng Chinese Coast Guard at ng kanilang Navy laban sa Philippine Coast Guard, Philippine Navy at maging sa mga Pilipinong mangingisda.
Taliwas aniya ito sa pagpapakita ng China na kaalyado nila ang Pilipinas.
Dagdag pa ni Ejercito, dapat gamitin ng bansa ang lahat ng diplomatic measures para sa ipinaglalaban nating teritoryo.
Sinabi naman ni Senate Committee on National Defense Chairman Senador Jinggoy Estrada na kung ang pag-akyat sa UNGA ang paraan para matigil na ang pambubully ng China ay susuportahan niya ang panukala ni Hontiveros.
Boboto aniya si Estrada pabor sa resolusyon sa sandaling talakayin na ito sa plenaryo ng mataas na kapulungan.| ulat ni Nimfa Asuncion