Aabot na sa higit โฑ3.1-milyong halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Ayon sa DSWD, inilaan ang ayuda sa mga 98 na apektadong barangay sa MIMAROPA at Western Visayas.
As of March 7, umakyat pa sa higit 22,489 pamilya o 92,168 na indibidwal ang naapektuhan ng oil spill.
Mayroon na ring 10 pamilya o 40 indibidwal ang inilikas at ngayoโy nananatili sa evacuation center.
Nauna nang tiniyak ng DSWD na magpapatuloy ang relief assistance nito sa mga apektado at maglulunsad din ng Cash-For-Work program para mabigyan ng pansamantalang pagkakakitaan ang mga pamilya na karamihan ay kumikita sa pangingisda, na nawalan ng kabuhayan dulot ng insidente. | ulat ni Merry Ann Bastasa
?: DSWD