Hindi tumitigil ang pamahalaan sa paghahanap ng mga kailangang hakbang at inisyatibo upang labanan ang inflation.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil kasunod ng naitalang bahagyang pagbaba sa inflation rate sa bansa nitong nakalipas na buwan ng Pebrero.
Mula sa naitalang 8.7% inflation rate noong Enero, ito ay bumaba ng 0.1 percent dahilan para makapagtala ng 8.6% inflation noong nakaraang buwan bunsod na rin ng pagbaba sa presyo ng pagkain at produktong petrolyo.
Kaugnay nito ay inihayag ni Garafil na patuloy ang implementasyon ng mga hakbangin para mas mapababa pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin nang hindi na kailangan pang gumamit ng special powers.
Kumpiyansa aniya ang Punong Ehekutibo na mas bababa pa ang inflation bunsod ng nakitang pagbaba sa presyo ng gasoline at agricultural import prices. | ulat ni Alvin Baltazar
?: Office of the Presidential Communications Office