???’? ??????’? ???, ???’? ???????????? ???, ????? ???????? ?? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lusot na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dalawang panukalang batas na magtatakda ng espesyal na mga araw para sa mga magsasaka at pasasalamat.

Nasa 307 na mambabatas ang bumoto pabor sa House Bill 7208 kung saan idedeklara ang January 22 ng kada taon bilang β€œNational Farmer’s Day”.

Layunin ng panukala na kilalanin ang mahalaga at makasaysayang papel ng mga magsasaka sa seguridad sa pagkain at pag-unlad ng ating ekonomiya.

Ito ay bilang pag-alala rin sa naganap na β€œMendiola Massacre” sa Maynila noong January 22, 1987 kung saan 13 magsasaka ang nasawi at marami ang sugatan.

Kaparehong bilang din ang bumoto para aprubahan ang House Bill 7209 o panukalang National Thanksgiving Day.

Sa ilalim nito ay ipagdiriwang ang Araw ng Pasasalamat kada huling Huwebes ng buwan ng Nobyembre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us