??? ????? ?? ???????, ????????????? ?? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Cavite Representative Elpidio Barzaga ang House Resolution 829 para magsagawa ng pagsisiyasat tungkol sa lumubog na MT Princess Empress, na nagresulta ng oil spill sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Barzaga, na siya ring Chair ng House Committee on Natural Resources, ang pagtagas ng 800,000 liters ng industrialized fuel ay maaaring makarating at magdulot rin ng pagkasira sa ibang coastal islands gaya ng Palawan, Antique at Romblon.

Makatutulong din aniya ang panawagang investigation in aid of legislation upang malaman ang lawak ng contamination, at agad na tulungan ang mga mangingisda na naapektuhan ang kabuhayan.

“Additionally, the oil spill might affect 20,000 hectares of coral reef, 9,900 hectares of mangroves, and 6,000 hectares of seagrass and could possibly coat the marine habitats and animals…which can clog the gills of fish and marine invertebrates…damage the feathers of bird and fur of marine mammals.” saad sa resolusyon.

Sa kasalukuyan, nasa sampung munisipalidad ng Oriental Mindoro na ang apektado ng oil spill.

Natukoy naman na Department of Environment and Natural Resources, ang posibleng lugar kung saan lumubog ang barko na may lalim na 1,200 feet below sea level. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us