Ipagpapatuloy ng DOT ang slogan nitong “Love the Philippines kahit winakasan na nito ang kontrata sa advertising agency na bumuo ng nasabing kampanya.
Tugon ito ni Department of Tourism Sec. Christina Frasco, ilang araw matapos lumabas ang isyu sa bagong tourism campaign video na ipinalabas online kung saan makikita na hindi sa Pilipinas ang ilan sa mga lugar na ipinakita sa video kundi sa ibang bansa.
Sa kanyang mensahe sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, sinabi ng kalihim, na marami nang napagtagumpayan ang Pilipinas at patungo ito sa muling pagbangon at pagbabago.
Aniya, dahil sa pagmamahal para sa bayan, kakayanin ng Philippine Tourism na makakit ang posisyon nitong “Asia’s Tourism Powerhouse”.
“None of these has served to dampen our spirit. None of these has served to diminish the beauty of our country. And none of these trials and difficulties will prevent us from claiming our rightful place as a tourism powerhouse in Asia,” dagdag ni Frasco. | ulat ni Keith Pilotin