Financial assistance para sa mga tauhan ng PNP Pangasinan na may malubhang sakit, ipinagkaloob

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilang mga pulis sa lalawigan ng Pangasinan na bed-ridden na at terminally ill ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Police Provincial Office.

Sa ginawang flag-raising ceremony ng Pangasinan PPO kanina ay isinabay na ang pamamahagi ng financial assistance sa kanilang mga kasamahan na tuloy-tuloy na sumasailalim sa gamutan dahil sa kani-kanilang mga sakit.

Binigyan ng tig-P25,000 ang labing-tatlong PNP personnel mula sa iba’t-ibang himpilan ng pulis sa lalawigan habang tig-P15,000 naman ang ipinagkaloob sa limang dependents.

Sa kabuuan, umabot sa P370,000 ang kabuuang halaga ng tulong na naibigay ng Pangasinan PPO sa kanilang mga kasamahan.

Kabilang naman sa mga natulungan si PSSg Arnie Bombarda ng Alaminos City Police Station na mayroong Chronic Kidney Disease at sumasailalim sa dialysis at si Karen Cacho na isang Non-Uniformed Personnel (NUP) ng Anda PNP na mayroong Polycystic Kidney Disease.

Samantala, nagmula naman ang pondong ginamit sa pagbibigay ng financial assistance ng Pangasinan PPO sa proceeds ng ginanap na Cong. Sandro Marcos Cup Pangasinan Shoot for A Cause na ginanap nito lamang June 24-25.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga PNP personnel na nabigyan ng tulong at hiling ng mga ito na dumami pa ang matulungan ng Police Provincial Office sa pamamagitan ng mga aktibidad gaya ng Shoot for A Cause. | ulat ni Ruel L. de Guzman

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us