Nais ng Comimission on Elections (COMELEC) na maipatupad ang Internet Overseas Voting sa susunod na National and Local elections sa taong 2025.
Sa kanyang naging talumpati sa Isinagawang Internet Voting Demonstration for Overseas Voting kaninang umaga sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na kinakailangan na ng comelec na magkaroon ng ganitong klase technological advancement para mabilis na makalap ang mga boto ng ating OFWs.
Dagdag pa ni GARCIA na maglilikha pa ito ng mas mataas na voter turnout dahil malaki ang nagagastos ng poll body sa mga kababayan nating malayo sa Embassy at Consular Offices ng Pilipinas dahil via mail parcel ang pagpapadala ng mga balota upang makaboto lamang ang mga ito.
Kung saan hindi halos nakakabalik ang kanilang mga pinapadalang mga balota sa mga ito kaya naman nais nilang ipatupad ang naturang internet voting upang walang masayang na boto ng ating mga OFWs.
Sa ngayon ay patuloy parin ang demonstration ng mga IT companies sa COMELEC upang makita ang magiging takbo ng sistema ng bawat naturang kumpanya sa naturang online voting.