Cong. Sandro, inaasahang mayroon pang susunod na turnover ceremonies sa firetrucks

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang marami pang darating na firetrucks ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Ilocos Norte.

Sa talumpati ni Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, may 12 pang munisipyo ang humihingi ng bagong firetruck dahilan para asahang may susunod pang mga turning over ceremonies.

Matapos ang seremonya, hiniling ni Cong. Sandro sa mga munisipyo na tumanggap ng bagong firetrucks ay mas maganda pa ang serbisyong maibibigay nila sa mga kababayan.

Naalala din ni Cong. Sandro ang usapan nila ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na dahil marami ang naibigay na firetruck sa Ilocos Norte ay dahil sa suporta ng mga kakabayan sa kanya noong walang-wala ito.

At sa pamamagitan ng mga naibigay ay oras naman ng pangulo na siya ang mag-alaga sa mga taga Ilocos Norte.

“….alam mo ang ating mga kakailians(kababayan), sila ang nag-alaga sa akin (they were the ones who to care me when I had nothing), ngayon dumating na ang oras that I take care of them”, saad ni Cong. Sandro sa pagkuwento sa usapan nila ng kanyang ama.| ulat ni Ranie Dorilag| RP1 Laoag

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us