Ginamit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) upang manawagan ng suporta sa Kongreso para sa 16 na panukala ng admnistrasyon.
Kabilang dito ang mga tax measure na nasa ilalm ng medium-term fiscal framework, tulad ng:
Excise tax para sa single-use plastics
VAT sa digital services
Rationalization ng mining fiscal regime
Motor vehicle user’s charge o road user’s tax
Military and Uniformed Personnel Pension
Kabilang din dito ang panukala na a-amyenda sa:
Fisheries Code,
Anti-Agricultural Smuggling Act, at
Amendment sa Cooperative Code.
Kabilang rin sa mga ipinanawagan ng pangulo ang New Government Procurement Law, New Government Auditing Code, Anti-financial accounts scamming, Tatak-Pinoy (Proudly Filipino) law, The Blue Economy law, Ease of paying taxes, LGU income classification, at ang The Philippine Immigration Act.
Pagbibigay diin ng pangulo, ang Palasyo at ang Kongreso ay mahigpit na nagtutulungan para sa pagsusulong ng buhay ng mga Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan
Halos 500, 000 bahay, napa-ilawan sa unang isang taon ng Marcos Administration. Mga hakbang tungo sa energy security, ibinida ng pangulo sa ikalawang SONA. | ulat ni Racquel Bayan