Mga crew ng motor tugboat na tangkang i-rescue ng coast guard team na nawawala, natagpuan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natagpuan nang ligtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong crew ng isang Motor Tugboat na tinangkang ire-rescue sa Appari, Cagayan ng nawawalang apat na miyembro ng Rescue Team ng Coast Guard.

Ayon kay PCG Rear Admiral Armand Balilo, ang apat na coast guard na lang ang kanilang hinahanap ngayon.

Umaasa sila na ligtas din ang mga ito at napadpad lang sa ibang lugar.

Kapag gumanda na ang panahon ay susubukang lilipad ang kanilang air assets mula sa Maynila at ipagpatuloy ang paghahanap.

Ang apat na rescuers ay kabilang sa dalawang team na rumesponde sa tugboat na hinahampas ng alon sa kasagsagan ni bagyong #EgayPH. Isa din sa sakay nito ang inatake sa puso.

Bago pa makalapit sa motor tugboat ay tumaob ang kanilang aluminum boat.

Ang mga rescuers ay huli umanong nakitang nakahawak sa kanilang aluminum boat, bago nawala.| ulat Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us