Ipinag-utos na ni DAR Secretary Conrado Estrella III sa seven-man committee na pabilisin ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 11953, o ang New Agrarian Emancipation Act.
Ang komite na pinamunuan ni DAR Undersecretary for Legal Affairs Napoleon Galitas ang siyang naatasan na magbalangkas ng IRR sa nasabing batas.
Ito ay nilikha sa bisa ng memorandum mula sa Office of the President na inisyu ni Executive Secretary Lucas Bersamin at DAR Special Order No. 508, alinsunod sa Seksyon 12 ng Republic Act No. 11953.
Muling iginiit ni Estrella ang pangangailangan para sa comprehensive IRR para sa maayos na pagpapatupad ng batas at sa loob ng 60 araw na itinakdang panahon, pagkatapos ng bisa nito noong Hulyo 23, 2023.
Inatasan din ng Kalihim ang komite at ang technical working group na magsagawa ng mga public consultation sa mga agrarian reform communities sa Luzon, Visayas at Mindanao, patungkol sa IRR. | ulat ni Rey Ferrer