?????????? ?? ??????, ?????????? ?? ??????? ???? ?? ?????????? ?? ??????? ??????? ????????? ?? ?????? ??????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Department of Energy sa publiko para sa pagtitipid ng kuryente ngayong paparating na summer season.

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ito’y dahil sa inaasahang pagtaas ng power demands sa nasabing panahon kung saan numinipis ang supply ng kuryente na umaabot sa yellow alert status.

Dagdag pa ni Lottila na base kasi sa outlook forecast sa Luzon grid ay inaasahang umabot sa 4012 mega watts ang power demand sa Luzon grid habang 354 megawatts naman sa Visayas, at 802 mega watts naman sa Mindanao.

Saad pa ni Lottila na malaki ang maitutulong ng taumbayan sa pagtitipid ng kuryente upang hindi na tumaas pa ang demand ng kuyente sa ating bansa. I via AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us