DICT, nangungunang ahensya ng pamahalaan sa usapin ng underspending ng 2023 budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaapektuhan ang hinaharap na budget ng mga tanggapan ng pamahalaan na mabibigong mahabol ang kanilang target spending para sa taong 2023.

Pahayag ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, kasunod ng pagsusumite ng catch up plan ng mga ahensya ng gobyerno na hindi pa nagagastos ang mga available na budget para sa kanilang programa o proyekto, o iyong pagkakaroon ng underspending.

Sa press briefing sa Malacañang pinangalanan ng opisyal ang top 5 na government agency na nananatiling mababa ang obligation rate, as of June 30, 2023.

“Iyong obligation rate po nila ay mababa – ibig sabihin, nabigay mo na po iyong allotment nila kumbaga iyong SARO po kasi kapag mayroon ka na noon ay puwede ka nang mag-bid. Malaking portion pa po noong pondong iyon ay hindi pa po nao-obligate, meaning hindi mo pa nabi-bid.” —Secretary Pangandaman.

Una dito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroong 9.2%

Ang COMELEC na mayroong 26.1%, DAR na mayroong 28.9% obligation rate.

Nasa 34. 2% naman ang sa DSWD, habang 34.3% naman ang DOE.

“During our meeting last week the President, nandoon po iyong mga agencies na … mga departments po na medyo hindi makahabol, and all of them naman po, they committed to the President that they will fast-track the implementation of their projects and programs.” —Secretary Pangandaman.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us