????? ?????? ????????? ?????????? ????, ????? ??????????? ??? ??? ?????????

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan ang dalawang mambabatas na nagsusulong sa Human Rights Defenders Protection Act (HRDPA) na hindi po-proteksyunan ng panukala ang mga terorista.

Ayon kay Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, pangunahing may akda ng panuakala, mali ang paniwala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na lalo lamang darami ang communist-terrorist sa pagsasabatas ng panuakala.

Ang mga pahayag rin na ito ng NTF-ELCAC laban sa mga may-akda at sumusuporta sa panukala ang dahilan kung bakit mas lalong dapat isabatas ang HRDPA.

β€œThe NTF-ELCAC’s hyperbolic assault of red-tagging the authors and supporters of HB No. 77, as well as authentic Human Rights Defenders (HRDs), is the best argument for the immediate enactment of the law protecting HRDs from the intimidation, harassment, and liquidation by agents of the State,” ani Lagman.

Ayon naman kay House Committee on Human Rights Chair Bienvenido “Benny” Abante, makatitiyak ang publiko at security force ng bansa na hindi magagamit ang HRDPA para makaiwas sa kaso ang mga terrorist group.

Malinaw din aniyang nakalatag sa panukala kung sino ang mga human rights defender.

Bilang pagtalima rin sa Anti-Terrorism Act of 2020, ang sinumang human rights defender na gagawa ng terrorist act o susuporta sa terrorist group ay otomatikong hindi na masasakop ng HRDPA.

Batid naman aniya nila ang alinalangan ng security sector at tiniyak na kaisa rin ang Kongreso sa pagprotekta sa taumbayan.

Ngunit ani Abante, naniniwala siya na kapag kapwa kinilala ang human rights at pagtiyak sa seguridad ng publiko ay mas mapapalakas ang demokrasya sa bansa.

“…We acknowledge the concerns of our security sector, and we in Congress understand that they want to protect our people from terrorist threats. This is why the House passed the Anti-Terrorism Act of 2020 in the 18th Congress, and why we continue to support initiatives intended to keep our people safe. That being said, the advancement of human rights and the security of the state are not mutually exclusive; and it is my belief that our democracy is strengthened when we promote human rights side-by-side with efforts to ensure the security of our citizens,” paliwanag ni Abante. I via Kath Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us