Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat ang relief goods nito para sa mga apektado ng Bagyong Goring.
Ayon sa DSWD, may higit sa 70,000 family food packs nang nakahanda ang Cagayan Regional office para sa mga apektadong residente
Mula sa bilang na ito, 41,480 ang nakapreposisyon na sa ibat ibang lokal na pamahaaan bago pa aniya tumama ang Bagyong Goring.
Habang 30,074 FFPs ang handa na ring ideploy mula sa limang warehouses ng ahensya.
“We are hauling FFPs from our warehouse for replenishment to LGUs in Northern Cagayan as we continue coordinating with LDRMCs (Local Disaster Response Management Councils) through our SWADTs (Social Welfare and Development Team),” Director Alan
Sa kasalukyan, aabot na sa 2,611 na pamilya o katumbas ng 8,547 na indibidwal ang naitalang apektado ng Bagyong Goring sa Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.
Tuloy tuloy naman na ang distribusyon ng DSWD ng food packs sa mga apektadong LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa