Butuan LGU, tutukuyin na ang mga rice retailer sa lungsod na apektado ng rice price ceiling para mabigyan ng ayuda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matapos ipatupad ang Executive Order No. 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. nagsagawa ng price monitoring ang Butuan Local Price Coordinating Council (LPCC) kasama ang mga taga DTI Agusan del Norte at Department of Agriculture o DA Caraga.

Sa tatlong malaking pamilihan sa lungsod ng Butuan, nakita na karamihan ng mga nagbebenta ng regular at well-milled rice ay nakasunod sa mandated price ceiling na tig-P41 sa regular at P45 naman sa well-milled.

Nilinaw ni Engr. Pierre Anthony Joven, hepe ng Butuan City Agriculture Office na kung meron mang ibinibenta ng higit pa sa mandated price, ito ay mga premium at organic rice.

Aalamin na rin ng LPCC – monitoring team ang mga rice retailers na apektado ng nasabing price ceiling. Tutulong ang LGU sa pamamagitan ng libreng pagpapagamit ng sasakyan sa pag-angkat ng bigas o di kaya’y pag-provide ng livelihood project.

Pero bago aniya ito ibigay sa mga apektadong nagbebenta ng bigas ay titiyakin muna kung rehistrado at may business permit mula sa LGU.

Nakipagpulong na rin ang tanggapan ng city agriculturist sa mga rice miller para pakiusapang ibenta lamang sa tamang presyo ang bigas. | ulat ni May Diaz | RP1 Butuan

Photos: DTI Agusan del Norte

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us