Rekomendasyon ng komite sa Senado na dagdagan ang pondo para sa mga programa sa mga anak ng OFW, welcome sa DMW

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ng Department of Migrant Workers (DMW) ang rekomendasyon ng Senate Migrant Workers Committee na dagdagan ang pondo para sa mga programa at inisyatibo sa mga anak ng overseas Filipino workers (OFWs).

Sa isinagawang pagdinig ng Senado sa panukalang budget ng DMW para sa susunod na taon, inirekomenda ni Senate Migrant Workers Committee Chair Raffy Tulfo at Finance Sub-Committee Chair JV Ejercito na dagdagan ang pondo ng ahensya para sa mga anak ng OFW.

Paliwanag ni Tulfo at Ejercito, ang naturang dagdag na pondo ay makatutulong na mabantayan ng DMW ang kalagayan ng mga anak ng OFW na naiwan ng kanilang mga magulang.

Hindi pa nade-determina kung magkano ang ilalaang supplemental allocation para rito ng Senado.

Ayon naman sa DMW, maaari rin itong gamitin ng ahensya para maprotektahan ang mga anak ng OFW laban sa mga pang-aabuso ng mga nag-aalaga sa kanila habang malayo ang kanilang mga magulang.

Nasa P15.3 bilyon naman ang ipinapanukalang pondo ng DMW para sa susunod na taon.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us